-- Advertisements --

CEBU – Sinunog ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-7) ang karagdagang iligal na droga na nasakote mula sa mga ginawang operasyon ng otoridad.

Tinatayang umabot sa P12 million na halaga ng mga illegal drugs ang sinira ng taga PDEA-7 kung saan binubuo ang mga ito ng P9.1 million na halaga ng illegal substance na shabu, P2.5 million na marijuana at P800,000 na ecstacy.

Bago sinira ang mga naturang illegal drugs, isinagawa ng PDEA-7 Chemists ang pag-test ng substance sa harap mismo ng media at ibang mga saksi upang mapawi ang hinala ng iba na hindi totoong illegal drugs ang sinunog.

Inihayag ni PDEA-7 Director Levi Ortiz na aasahan na may sisirain pang iligal na droga sa mga susunod na linggo.

Ang pagsunog ng mga nasabing illegal substance ay isang bahagi sa compliance ng guidelines na itinakda ng custody at disposition ng mga nasakote na dangerous drugs sa ilalim ng Section 21, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Kung maaalala, una ng sinira ng PDEA-7 ang nasa 11 kilograms ng illegal drugs noong buwan ng Oktubre kung saan umabot ito ng P77 million.