-- Advertisements --

Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalabas ng karagdagang P5 billion para sa pagpapauwi at tulong sa mga overseas Filipino workers (OFW) na apektado ng coronavirus disease 2019.

Sinabi Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III, na malaking bahagi ng nasabing pondo ay mapupunta sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na siyang nangangasiwa sa pagpapauwi ng mga OFW.

Bukod aniya sa repatriation assistance ay sasagutin ng OWWA ang mga COVID-19 test sa mga papauwing OFW.

Tuloy rin ang pagbibigay ng DOLE ng P10,000 na one-time cash assistance sa mga pinauwing OFW mula sa Abo Kamay ang Pagtulong (AKAP) Program ng ahensiya.