-- Advertisements --

Nananatiling unfunded o walang pondo ang karagdagang P500 para sa social pension ng indigent o mahihirap na senior citizens sa ilalim ng proposed P5.268-trillion pondo para sa taong 2023.

Paliwanag ni Department of Budget and Management Undersecretary Tina Rose Marie Canda na nag-lapse into law ang naturang measure matapos na makumpleto ang 2023 budget kung kayat hindi na ito isinama.

Tinutukoy ni Canda ang P500 hike sa monthly pension ng mga indigent senior citizens na nag-lapsed into law noong August 2 kung saan inaasahan na mula sa dating P500 ay tataas ng P1,000 ang buwanang pension ng mga seniors.

Ayon kay Canda ang budget na kinakailangan para sa karagdgang social pension ay nasa P24.5 billion.

Sa kabila nito, sinabi ni Canda na makikipag-uganay sila sa kongreso para masolusyunan ito.

Magbibigay aniya ang DBM ng utilization rates ng iba’t ibang ahensiya upang matukoy kung saan kukunin ang pondo para sa karagdagang social pension.