Ang paliparan sa lungsod ng Ukrainian ng Dnipro ay napinsala nang husto sa ginawang pang-aatake ng Russia.
Sinabi ng head ng city’s military administration na si Valentin Reznichenko nagkaroon ng isa pang pag-atake sa Dnipro airport.
Aniya, wala nang natira dito. Ang paliparan mismo at ang mga imprastraktura sa paligid nito ay nawasak.
Dagdag pa nito na ang mga rocket ay patuloy na lumilipad at lumilipad.
Sinabi niya na ang mga awtoridad ay nag-imbestiga upang alamin ang impormasyon tungkol sa mga biktima.
Napag-alaman na makikita ang itim na usok sa kalangitan sa itaas ng paliparan at mga trak ng bumbero na pumapasok sa bakuran nito.
Noong Linggo, nagpapahiwatig na gumagana pa rin ang runway.
Sinabi rin ni Reznichenko na tumindi ang mga pag-atake sa lungsod, na nasa pampang ng Dnieper River.
Ang industrial city na may isang milyong katao ay tinutumbok ng mga Russian troops mula noong pagsalakay ng Moscow ngunit sa ngayon ay nakaligtas sa malaking pagkawasak.Top