-- Advertisements --
LRT2

Naghihintay na lamang ng karagdagang pondo mula sa pambansang pamahalaan ang Light Rail Transit Authority (LRTA) upang tuluyang maituloy ang Light Rail Transit Line 2 (LRT 2) West Extension project nito.

Ayon kay Light Rail Transit Authority Administrator Hernando Cabrera kumpleto na umano ang documentation at tapos na ang lahat ng plano pati ang mga technical designs ng West Extension Project.

Ang pagtatayo ng west extension ay lilikha ng tatlong station, isa malapit sa Tutuban PNR station, isa sa Divisoria, at isa malapit sa North Port Passenger Terminal sa Manila North Harbor’s Pier 4.

Sinabi ni Cabrera na nasa sampung bilyong piso ang kailangan para maipatupad ang naturang west extension project.

Sa kasalukuyan, nasa humigit-kumulang P1.7 billion na ang pondo ng Light Rail Transit Authority o LRTA.