-- Advertisements --

Kinumpirma ng Department of Social Welfare and Development na inaprubahan na ng Department of Budget and Management ang karagdagang pondo para sa kanilang Quick Response Funds.

Ayon kay DSWD Spox at Asec. Irene Dumlao, ito ay nagkakahalaga ng kabuuang P875 milyong pondo.

Aniya, gagamitin ang pondong ito bilang replenishment para magtuloy-tuloy ang distribusyon ng mga Family Food Packs sa mga residente na naapektuhan ng bagyo.

Sa ngayon, walang patid ang ahensya sa paghahatid ng tulong sa mga lokal na pamahalaan na tinamaan ng mga kalamidad.

Batay sa datos , aabot na sa mahigit 18k na FFPs ang naihatid ng ahensya sa mga lugar na naapektuhan ng bagyong Nika at Ofel.

Kabilang sa kanilang mga ipinadala ay mga food packs at non-food items sa lalawigan ng Isabela at Quirino bilang pang-alalay sa mga lokal na pamahalaan.

Pinaghahandaan narin ng ahensya ang paglandfall ng bagyong Pepito sa Bicol Region.