BUTUAN CITY – Epektibo na ngayong araw, May 1 Labor Day, ang pagpapatupad ng pangalawang tranche ng pagtataas ng sahod para sa mga minimum wage earners sa pribadong kompanya sa buong Caraga Region.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Atty. Joffrey Suyao, regional director ng Department of Labor and Employment o DOLE-Caraga, base ito sa Wage Order No. 8, na isa sa mga highlights ng ika-122 pagdiriwang ng Labor Day.
Ayon sa opisyal, ang unang tranche ng wage increase ay ipinatupad nitong Enero a-1 ngayong taon.
Maliban sa mga minimum wage earners, dadagdagan naman ng isang libong piso ang buwanang sahod ng mga kasambahay kung kaya’t mula sa P4,000.00, ito ay magiging P5,000.00 na.
Samantala, umabot sa 8,000 mga bakanteng trabaho ang available sa Job Fair na sinalihan ng 115 mga participating employers.
Andyan pa ang pamimigay nila ng pay-out para sa mga benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay Para sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program at ng Government Internship Program Salary Disbursement o DILP Livelihood Grants Release.