Muling ipagpapatuloy ng Department of Justice (DoJ) panel of prosecutor’s sa Mayo 7 ang pagdinig sa pagpatay kay Dominic Sytin na founder at chief executive officer ng United Auctioneers, Incorporated.
It ay para bigyang daan ang paghahain ng counter affidavit ni Edgardo Luib na umaming gunman sa krimen at nagturo kay Dennis Sytin na kapatid ng biktima na utak sa krimes.
Sa nasabing araw din tutukuyin kung kailan magsusumite ng reply affidavit ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
Sa isinagawang pagdinig kanina, dumating at isinumite ni Dr. Raquel Fortun ang anim na pahinang resulta ng isinagawa niyang review sa naunang forensic examination.
Naghain naman ng kani-kanilang mga sinumpaang salaysay ang mga testigo ni Dennis Sytin na sina Jonar Anciano, Daniel Doligon, Elsie Guanga, Rogelio Tangcoy, Jason Cabigting.
Magugunitang una nang nagsampa sa DoJ ng reklamong murder at frustrated murder ang naulilang maybahay ni Dominic na si Ann Marietta Sytin, laban sa kanyang bayaw na si Dennis Sytin.
Si Dominic ay binaril at napatay sa harap ng Lighthouse Hotel sa Subic Bay Freeport Zone noong November 28, 2018 at nasugatan naman sa pamamaril ang kanyang bodyguard na si Efren Espartero.