-- Advertisements --
GENERAL SANTOS CITY – Nilinaw ng Office of the Senior Citizen o OSCA dito sa lungsod ng General Santos
na wala pang inilalabas na kautusan para tumanggap ng karagdagang P500 social pension para sa mga senior citizens.
Ayon kay Josephine Mendoza, Office of the Senior Citizens Affair head, kahit may batas na nag-uutos na ang social pension para sa mga senior citizen ay magiging P1,000 pesos na, hindi pa rin ito natatanggap dahil sa kakulangan ng pondo.
Ngunit umaasa naman ito na matatanggap ng mga Senior Citizens ang kanilang tig-P1,000 social pension kada buwan.