-- Advertisements --

Siniguro ng Manila Electric Company ang karagdagang supply ng kuryente matapos na itaas ang Red Alert Status sa Luzon Grid.

Kung maaalala, itinaas ng National Grid Corporation ang naturang status dahil sa manipis na suplay ng kuryente.

Sa ngayon ay nakikipag ugnayan na ang Meralco sa mga kabilang sa Interruptible Load Program na sakop naman ng kanilang prangkisa.

Layon nito na makatulong upang pamapagaan ang demand sa kuryente.

Batay sa datos ng kompanya, umabot sa mahigit 400 megawatts (MW) ang available de-loading capacity ang kanilang na secure mula sa mga commercial at industrial customers nito.

Siniguro rin ng kanilang kumpanya na patuloy ang kanilang ginagawang monitoring sa supply ng kuryente.

Sinabi pa ng kumpanya na sila ay nakahanda anumang oras para magsagawa ng manual load dropping o rotational power interruption kung kakailanganin.

Ang hakbang na ito ay maglalayo naman sa posibilidad ng malawakang power outage.