-- Advertisements --

Dumating na sa Mindanao ang nasa 130 sundalo mula sa 12th Civil Military Operations Battalion kasama ang karagdagang miyembro ng Hijab troops na mga babaeng sundalo para tumulong sa rehabilitasyon sa Marawi City.

Ayon kay Joint Task Force-Ranao deputy commander Col. Romeo Brawner, bandang alas-2:00 ng hapon nang dumating sa Laguindingan Airport ang mga tropa sakay sa C-130 cargo plane ng Philippine Air Force (PAF).

Ayon kay Brawner, tutulong sa rehabilitasyon sa Marawi ang mga bagong dating na tropa at maging sa iba’t ibang Civil Military Operations activities ng AFP sa Lanao del Sur at Lanao del Norte.

Isasailalim sa operational control ng Joint Task Force Ranao ang 12th CMO Batallion at Hijab troops.

Ang bagong dating na tropa ay binubuo ng 105 na sundalo at 25 hijab troopers.