Nakatakdang ihatid ng Department of Social Welfare and Development ang karagdagang tulong para sa mga biktima ng oil spill sa lalawigan ng Bataan.
Ayon sa ahensya, patuloy ang kanilang isinasagawang monitoring sa kalagayan ng mga residente na labis na naapektuhan ng pagtagas ng langis.
Sa isang pahayag, sinabi ni DSWD Field Office-3 Regional Director Venus Rebuldela, walang patid ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga kinatawan ng lokal na pamahalaan ng Bataan.
Ito ay may kinalaman sa pagsasagawa ng mga ito ng clearing operations sa apektadong lugar.
Batay sa datos, aabot na sa 11,000 Family Food Packs ang naiabot ng DSWD sa mga naapektuhang munisipalidad sa nasabing lalawigan.
Partikular na tinukoy ng ahensya ang bayan ng Mariveles at Limay.
Nakatakda naman pag-usapan ng DSWD at Bataan LGU ang mga karagdagang tulong na maaaring ibahagi sa mga apektadong mangingisda.