-- Advertisements --
Asahan na ang mas maraming mga sasakyang pandagat ng US ang darating sa South China Sea matapos ang pagdating ng strike force ng US Navy noong Abril 4.
Sinabi ni Philippine Ambassador to US Jose Manuel Romualdez na ipinakalat ang nasabing mga sasakyang pandagat ng US bilang bahagi ng freedom of navigation operations.
Dagdag pa nito na patuloy nilang dinadagdagan ang nasabing puwersa ng US sa nasabing lugar at kada buwan ay patuloy ang pagtaas ng bilang sa nasabing lugar.
Magugunitang inanunsiyo ng US Navy na dumating sa South China Sea ang kanilang Theodore Roosevelt Carrier Strike Groups na siyang pangalawang beses na nila isinagawa.