Naglabas ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng karagdagang requirement para sa mga turistang Chinese na naga-apply para sa temporary visitor’s visa.
Ayon sa DFA, kailangan ng magsumite ng Chinese nationals na naga-apply para sa visa at Philippine Foreign Service Posts ng kanilang Chinese Social Insurance Record Certificates.
Ang nasabing sertipikasyon ay dapat nakarehistro na ng 6 na buwan sa mismong aplikasyon ng visa.
Ang mga exempted naman mula sa visa requirement ay Chine nationals na kasalukuyang naka-enrol sa elementarya, sekondarya o kolehiyo na required na magsumite ng patunay ng enrollment at mga retirado na edad mahigit 55 taong gulang.
Samantala, sinabi din ng DFA na ikokonsidea ang iba pang exceptions sa case-by-case basis.
Ang karagdagang visa requirement ay parte ng patuloy na pagsisikap ng DFA para mapagibayo pa ang visa policies ng ahensiya at mga regulasyon para sa ligtas at episyenteng pagpasok ng mga dayuhang bumibisita sa bansa.
Kung maaalala, una ng inanunsiyo ng DFA na maghihigpit ang bansa sa visa equirements para sa mga turistang Chinese sa gitna ng dumaraming fraudulent applications na natatanggap sa mga embahada at konsulada ng PH sa China.