-- Advertisements --

Kumpyansa ang pamunuan ng Philippine Marine Corps na mapapalakas ng kanilang bagong bili na water asset ang pagsasagawa nito ng maritime operations.

Partikular na tinukoy ng PH Marine Corps ang Combat Rubber Raiding Craft.

Ito ay may kasamang Outboard Motors na inaasahang magagamit sa Force Reconnaissance Group.

Para matiyak ang tibay nito ay isinailalim kaagad ng Marine Corps ng Pilipinas ang naturang water asset sa testing na ginanap sa Marine Barracks Gregorio Lim, Ternate, Cavite.

Ang nasabing water asset ay nakatakdang gamitin sa special operations kasama ang mga tauhan ng marine brigades at maging ng AFP- Special Operations Command.

Binigyang diin ng PMC na ang kanilang pagbili sa Combat Rubber Raiding Craft ay bahagi lamang ng kanilang hakbang upang mapalakas ang kapabilidad na protektahan ang teritoryo maging ang interes ng Pilipinas.