Isinusulong ng Presidential Task Force on Media Security na ibilang ng mga kinokonsidera ng election offense ang mga panghaharass sa mga mamamahayag.
Ito ang inihayag ni PTFoMS Executive Director at Usec. Paul Gutierrez bago ang magiging paglagda nito sa Memorandum of Agreement kasama ang Comelec sa susunod na buwan kaugnay pa rin sa gaganaping halalan sa susunod na taon.
Aniya, batid ni Comelec Chairman Garcia ang mga banta sa buhay ng mga mamahayag sa bansa lalo na sa tuwing panahon ng halalan.
Kaugnay nito ay Inihayag niya may alok ang komisyon na gamitin ang kapangyarihan nito na magbabala sa mga kandidato, Political parties, at mga tagasuporta nito na ang anumang uri at tangkang panghaharass sa mga mamamahayag ay may katumbas na karampatang kaparusahan.
Paglilinaw ni Gutierrez, ang naturang kasunduan na kanilang lalagdaan ng Comelec ay hindi layuning amyenahn ang Omnibus Election Code, ngunit siya aniya ay bukas sa ganitong ideya.
Ang iba’t-ibang uri ng karahasan laban sa mga mamamahayag ay hindi I kinokonsidera ng election offense sa ilalim ng Omnibus Election Code, ngunit gayunpaman ay kinokonsidera pa rin ng nasabing batas ang mga pagbabanta, intimidation, at paggamit ng fraudulent devices of scheme, at iba pa laban sa isang tao o botante sa kasagsagan ng halalan bilang election offense.