-- Advertisements --

Mariing kinondena ni US President Donald Trump ang nagaganap na karahasan sa ilang tinagurian niyang “Democrat-run cities.”

Ginawa ni Trump ang pahayag sa pagtatapos ng Republican National Convention sa White House Lawn.

Kabilang sa tinukoy ni Trump ang Kenosha, Wisconsin kung saan patuluy ang insidente ng kilos protesta matapos ang pamamaril ng ilang pulis kay Jacob Blake.

Ayon kay Trump, hindi papayagan ng gobyerno na mamayani ang kaguluhan.

Iginiit din nito na karamihan naman sa mga police officers sa kanilang bansa ay matino kaya dapat lamang ibalik ang kanilang kapangyarihan.

Binuweltahan din ni Trump ang kanyang karibal na si dating Vice President Joe Biden na noong ginawa ang Democratic National Convention ay hindi man lamang nagbigay ng pahayag hinggil dito.

“We can never allow mob rule,” ani Trump. “In the strongest possible terms, the Republican Party condemns the rioting, looting, arson and violence we have seen in Democrat-run cities all, like Kenosha, Minneapolis, Portland, Chicago, and New York, and many others Democrat-run.”