-- Advertisements --

VIGAN CITY – Isa ang patay sa nangyaring karambola ng tatlong sasakyan na kinabibilangan ng isang aluminum van, pick-up at isang pampasaherong bus sa national highway sa Barangay Mabilbila Norte, Santa, Ilocos Sur.

Dead on arrival si Ilocos Sur Polytechnic State College President at dating University of Northern Philippines President Dr. Gilbert Arce, residente ng Barangay Barraca, Vigan City drayber ng Ford Raptor pick up.

Nakilala naman ang drayber ng aluminum van na si Dennis Carolino Alcanta, 41-anyos, residente ng Alaminos, Pangasinan; habang ang drayber naman ng bus ay si Alvaro Yarte Tumbaga, 48-anyos, residente ng Barangay Battog, Sinait, Ilocos Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay PCAPT MARK BRYAN CORPUZ, tinatahak umano ng pick up ang pa-timog na direksyon nang umagaw ito ng linya at nahagip nito ang aluminum van bago sumalpok sa nakasalubong nitong bus.

Dahil sa impact ng aksidente ay inararo ng aluminum van at ng pampasaherong bus mga kabahayan sa may gilid ng kalasada habang wasak naman ang pick up na sasakyan na minaneho ni Arce.

Kapwa nagtamo ng sugat ang drayber ng pick up at ng pampasaherong bus na parehong itinakbo sa ospital ngunit kalauna’y binawian din ng buhay ang drayber ng pick up habang ang drayber naman ng bus ay stable na ang kalagayan.

Dagdag din ni Corpuz na may mga ilang pasahero ng bus ang sugatan dahil sa aksidente.