Lumabas ngayon sa pag-aaral na mayorya ng mga Pilipino ay naniniwalang China ang pinakamalaking banta sa Pilipinas sa unang quarter ng 2024.
Ayon sa OCTA Research, 76% ng mga sumasagot sa survey ay naniniwala na ang China ang pinakamalaking banta, habang pumapangalawa naman ang nagsasabing Russia na nakalikom ng 9%.
Ang mga respondent na nagsasabi tungkol sa China bilang isang banta ay tumaas sa 17% mula nang magsimula ang termino ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Samantala, 44% lamang ng mga respondent ang naniniwalang may positibong epekto ang China sa ekonomiya ng Pilipinas.
Ginawa ang survey sa panahon na madalas ang mga nangyayaring pangha-harass ng China Coast guard at Chinese militia sa mga Pilipinong mangingisda, PCG at BFAR sa bahagi ng West PH Sea.
Nilikom ang data mula sa iba’t-ibang antas ng buhay ng mga respondent.