-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Kinilala na ang sampung mga miyembro ng New People’s Army na napatay sa naganap na engkwentro laban sa 62nd Infantry Batallion ng Philippine Army sa Sitio Agit, Barangay Trinidad, Guihulngan City, Negros Oriental noong Marso 23.

Ayon kay Col. Michael Samson, OIC Commander ng 303rd Infantry Brigade, siyam sa mga ito ang na-claim na ng kanilang mga pamilya ngunit wala paring nagclaim sa natitirang isa pa.

Ang mga nawalan ng buhay ang kinilala sa mga pangalang Jojo Necto Alpitche alyas Ka Troy, residente ng Sitio Agpapatao, Barangay Binobohan, Guihulngan City, Negros Oriental at ini-claim ng kanyang kapatid na babae noong Marso 26; si Eduardo Tormis alyas Ka Idu, residente ng Sitio Batong-Buang, Barangay Trinidad, Guihulngan City, Negros Oriental at kinilala ng kanyang ina noong Marso 26; si Felicito Robert Quiñanola alyas Ka Jon, residente ng Sitio Nacurohan, Barangay Quinten Remo, Moises Padilla, Negros Occidental at kinilala ng kanyang asawa noong Marso 26; si Argie Casulay alyas Ka Diego, residente ng Sitio Batong-Buang, Barangay Trinidad, Guihulngan City, Negros Oriental at kinilala ng kanyang kaanak noong Marso 27.

Patay din si Roberto Litong Jr. alyas Ka Jonas, residente ng Sitio Dadiangao, Barangay Luz, Guihulngan City, Negros Oriental at kinilala ng kanyang mga magulang noong Marso 26; si Ringie Dilica Gadiano alyas Ka Eron, residente ng Sitio Casanday, Barangay Trinidad, Guihulngan City, Negros Oriental at kinilala ng kanyang ina at asawa noong Marso 26; si Felix Jojo Saputalo alyas Ka Pidu residente ng Sitio Cambairan, Barangay Trinidad, Guihulngan City, Negros Oriental at kinilala ng kanyang kapatid na babae noong Marso 25.

Kabilang din sa mga ito sina Regie Remasog alyas Ka Bosto, residente ng Sitio Caranawan, Barangay Riverside, Isabela, Negros Occidental at kinilala ng kanyang bayaw noong Marso 21 at si Jeryneboy Timagus Callora alyas Ka Jecky, residente ng Sitio Banderahan, Barangay Trinidad, Guihulngan City, Negros Oriental at kinilala ng kanyang ina noong Marso 25.

Ang isang bangkay naman na hindi pa naclaim ang kinilala kay Ka Jek-Jek, residente ng Sitio Malatanglad, Barangay Budlasan, Canlaon City, Negros Occidental.

Binigyan naman ng disenteng libing ang sampung namatay na NPA kabilang na si Alyas Jek-Jek na wala pang kumikilalang pamilya.