-- Advertisements --
tuguegarao
Cagayan

TUGUEGARAO CITY – Pinuri ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa Cagayan ang mayorya sa mga local chief executives na nasa kanilang nasasakupang bayan sa pananalasa ng Bagyong Falcon.

Ayon kay Director Ruperto Maribbay ng DILG-Cagayan, 26 na mga chief executives ang nasa kani-kanilang mga area of responsibilities, kabilang na anag gubernador upang magmonitor sa bagyo.

Bagama’t may ilang opisyal umalis para sa official business, hindi na ito pinangalanan ng DILG dahil nakapagpaalam naman sa ahensiya ang mga ito.

Matatandaang naging kontrobersyal ang ilang mga pulitiko na umalis sa lalawigan noong kasagsagan ng bagyong Ompong.