-- Advertisements --
KALIBO, Aklan – Nagsara na ang karamihan sa mga Chinese restaurants sa isla ng Boracay.
Ayon kay Boyet Sacdalan, vice chairman ng Compliant Association of Boracay nawalan na ng mga customer na Chinese ang nasabing mga establisimento.
Sinasabing nag-alsa balutan na pabalik ng China ang ibang mga negosyanteng Chinese sa isla kasama ang kanilang mga trabahador na pawang mga Chinese rin.
Sa kasalukuyan ay wala nang anumang flights sa Kalibo International Airport palabas at papasok ng China dahil sa ipinatupad na travel ban ng pamahalaan.
Nabatid na noong nakaraang taon ay naging kontrobersiyal sa isla ang pagsulputan na parang kabute ng mga Chinese restaurants at mga Chinese workers.