-- Advertisements --

Pawang mga Chinese nationals umano ang mahigit sa 510 illegal aliens na naaresto sa Pilipinas.

Ayon kay Fortunato Manahan, Jr., intelligence chief ng Bureau of Immigration (BI), umabot sa 332 Chinese nationals ang naparusahan dahil sa pagkakadawit sa iligal na online gaming at cybercrime activities nitong nakaraang taon.

Sinabi naman ni Immigration Commissioner Jaime Morente, ang bilang ng mga illegal aliens na nadakip noong nakalipas na taon ay mas mababa kumpara sa 2,000 banyagang hinuli noong 2019.

“Because of the pandemic and community quarantines imposed, there was a decrease in the movement of aliens. A lot of foreign nationals also joined repatriation flights back to their home countries,” saad ni Morente.

Kung maalaala, inilunsad ng mga mambabatas ang imbestigasyon sa umano’y bribery scheme o panunuhol ng mga Chinese nationals sa mga tauhan ng Immigration.

Samantala, inilahad pa ni Manahan na naaresto rin ang 14 Indian nationals at 30 pang iba dahil sa overstaying at kawalan ng dokumento.

Habang 14 South Korean at dalawang Vietnamese ang dinampot din matapos mahuling sangkot sa mga negosyong walang permit.