-- Advertisements --

Karamihan sa mga local government units (LGUs) mas pinipili ang COVID-19 vaccine na gawa ng AstraZeneca mula United Kingdom ayon kay DILG spokesperson Usec Jonathan Malaya.

Ito ay matapos maglabas ng listahan ang National Task Force Against COVID-19 ng vaccine jabs sa merkado.

Covid VACCINE ASTRAZENECA
Lab testing by drugmaker AstraZeneca

Ilan sa mga LGUs ay pumirma na ng kasunduan sa British-Swedish pharmaceutical firm para sa kanilang purchase ng COVID vaccine.

Ito ay ang mga siyudad ng Las Pinas, Mandaluyong, Makati, Manila, Muntinlupa, Navotas, Caloocan, Pasig, Quezon City, San Juan, Taguig, Valenzuela sa Metro Manila, ang mga siyudad sa Antipolo, Baguio, Dagupan, Vigan, Bacolod, Iloilo, Ormoc, Davao, Oroquetta at Zamboanga City.

Inihayag ni Malaya na pinayagan ang mga LGUs na sila ang mag-negotiate para sa bibilhin nilang vaccine pero kailangan nila i-coordinate rin ito sa NTF dahil mahigpit na ipinagbabawal ang direktang pagbenta ng pharmaceutical firms ng vaccine direkta sa mga LGUs.

Siniguro rin ni Malaya na walang dapat ikabahala ang mga maliliit at mahihirap na mga LGU dahil ang national government ang bibili ng kanilang bakuna para sa kanilang mamamayan.

Samantala, ayon naman kay retired Gen. Restituto Padilla, spokesperson ng NTA, target ng pamahalaan na makapagbakuna ng 50 hanggang 70 million Pilipino.

Sinabi ni Padilla sa sandaling dumating na sa bansa ang mga bakuna, ang Department of health pa rin ang mangangasiwa rito.

Umapela naman si Padilla sa publiko na huwag matakot sa vaccination program ng pamahalaan at huwag magpaniwala sa mga pekeng impormasyon kaugnay sa bakuna na kumakalat sa social media.

Sa panig naman ni Quezon City Mayor Joy Belmonte kaniyang sinabi, na bukod sa AstraZenica may ongoing negotiations din sila sa iba pang pharmaceuticals para bumili pa ng vaccine para sa mga residente nito sa siyudad.