Karamihan sa mga lugar sa Pilipinas ay bumalik na sa pre-Delta variant surge level ayon sa OCTA Research.
Ayon kay professor Guido David, ang Metro Manila at pitong iba pang urban areas ay inuri na ngayon bilang “low risk” para sa COVID-19, habang ang Cebu City ay itinuturing na ngayon na “very low risk.”
Ang pito pang lugar ay kinabibilangan ng Davao City, Bulacan, Batangas, Cavite, Laguna, Pampanga, at Rizal.
Ang pagbaba ng mga kaso ay maaaring maiugnay sa malawak na saklaw ng bakuna, ang pagsunod ng publiko sa pinakamababang pamantayan sa kalusugan, at ang pagpapatupad ng mga lockdown.
Sinusuportahan naman ng OCTA Research ang pagpapatupad ng Alert Level System sa buong bansa.
Ang sistemang ito, na unang ipinatupad sa Metro Manila, ay binago ang mga klasipikasyon ng quarantine at inilipat ang istratehiya mula sa pag-lockdown sa buong lungsod at lalawigan tungo sa pagpapatupad ng mga surgical.
Iginiit naman ni Dr. David ang kahalagahan ng pagbabakuna sa mga vulnerable population partikular na sa mga senior citizens at immunocompromised upang mapigilan ang muling COVID-19 surge.