DAVAO CITY – Inihayag ni Department of Health (DOH) na karamihan sa mga nahawa ng Covid-19 sa Davao region ang hindi nagpabakuna.
Ito ang inihayag ng Department of Health (DOH-11) kung saan na sa 95% o higit 13,000 na mga mga nahawa ng virus ang hindi nagpabakuna.
Ito umano ang rason na nagkukumahog ngayon ang DOH sa kanilang panawagan sa publiko sa kahalagahan ng bakuna bilang proteksiyon sa sarili laban sa covid-19.
Dapat rin umanong samantalahin ang pagdating ng mga bakuna at kailangan iwasan ang pagpili ng brand nito dahol pareho naman itong epektibo.
Sa kasalukuyan, nasa 2,505,405 doses na bakuna ang natanggap ngayon ng Davao region mula ng sinimulan ang roll out nito sa nakaraang buwan ng Marso sa nakaraang taon.
Patuloy naman ang panawagan ng ahensiya sa mga matatanda na magpabakuna lalo na at makonkonsidera ang mga ito na vulnerable o madaling mahawa ng virus.