-- Advertisements --
Hindi nagbago ang kalidad ng buhay ng karamihan sa mga Pilipino sa nakaraang taon, kung saan isa lamang sa tatlo ang nagsasabing ito ay bumuti, ayon sa kamakailang survey ng Social Weather Stations (SWS).
Lumalabas na 45 percent ng respondents na isinagawa mula Marso 21 hanggang 25 ay nagsasabing ang kanilang kalidad ng buhay ay nanatiling pareho sa nakalipas na 12 buwan.
Samantala, 30 porsiyento naman ang nagsabing bumuti ang kalidad ng kanilang buhay, habang 25 porsiyento ang nagsabing lumala ito.
Ang pinakahuling resulta ng survey ay katulad ng ginawa ng SWS noong Disyembre 2023.