-- Advertisements --

Maraming mga Pilipino ang mas pinipiling isaprayoridad ang kalusugan bago ang pag-iipon at pagbili ng bahay.

Batay sa resulta ng nasabing survey, 71% ng mga Pilipino ang nagsabing mas nais nilang manatiling malusog at iwas sakit.

Habang nasa 57% naman ang nagsabing may sapat silang pang kain sa araw-araw, at nasa 44% naman ang umaasa ng makakapagtapos o makapagpapatapos sila sa pag-aaral.

Lumalabas din sa naturang survey na tanging NSA 38% lamang ng ating mga kababayan ang concern sa pagse-secure sa kanilang mga trabaho na may magandang kita, habang nasa 32% lamang ang priority ang pag-iipon, at 23% lang ang prayoridad ang magkaroon ng sariling bahay.

Ayon sa OCTA, karamihan sa mga indibidwal na tinukoy bilang urgent personal concern ang kalusugan ay ang mga adult Filipinos na nagmula sa socioeconomic class ABC na mayroong 79%, sinundan ng class D na mayroong 71%, at Class E na mayroong 69%.

Ito ang naging resulta ng ginawang Tugon ng Masa survey sa unang bahagi ng taong 2024 mula noong Marso 11 hanggang Marso 14 ng taong kasalukuyan na nilahukan naman ng nasa 1,200 na mga respondents sa buong mundo.