Ikinatuwa ng founder ng Go Negosyo na si Joey Concepcion ang resulta ng survey ng OCTA Research na nagsasabi na lalong nagsisimulang magkaroon ng interes sa pagnenegosyo ang mga Pilipino.
Ibinahagi ni Concepcion ang natuklasan mula sa ipinakitang resulta ng survey sa 1,200 respondents na may edad 18 taong gulang pataas at sumasaklaw sa mga socioeconomic class na AB, C, D at E.
Sinabi ni Ranjit Rye ng OCTA Research na isinagawa ang survey noong huling linggo ng Oktubre 2022.
Ipinakita ng mga resulta na 81 porsyento ng mga nasa hustong gulang na Pilipino ay mas gustong pumasok sa negosyo, ibig sabihin na sila ay may sapat na kaalaman kung paano gawin ito.
Sa buong socioeconomic classes, nananatiling mataas ang pagnanais na iyon sa 80 porsyento sa mga class ABC at D, at 74 porsiyento mula sa class E.