-- Advertisements --
Nasa 1.43 milyon o halos 100 porsyento ng mga kabuuang bilang ng annual income tax returns (ITR) para sa 2020 ang inihain online.
Sinabi ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Deputy Commissioner Arnel Guballa na nagiging maganda na ang ginagawa nilang digitalization efforts para maging mas magaan at madali sa publiko ang pagbabayad nila ng mga buwis.
Base kasi sa talaan nila ay mayroong 99.5 percent ang nakumpleto online sa pamamagitan ng BIR electronic Filing and Payment System.
Magugunitang hinikayat noon ni Department of Finance (DOF) Secretary Carlos Dominguez ang BIR na isagawa ang mga online transaksyon para mas lalong marami ang mahikayat na tao na magbayad ng kanilang mga buwis.