-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Ipinasisiguro ng Bangsamoro Transition Authority na magkakaroon ng boses at patas na kapangyarihan ang mga kababaihan sa ilalim ng Bangsamoro Government.

Napag-alaman na kasabay ng International Women’s Day ngayong araw, nanawagan ang ilang advocates of women’s rights na mas pagtibayin ang gender equality sa bagong tatag na Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM at dapat tanggalin na ang anumang porma ng diskriminasyon laban sa mga kababaihan ng Bangsamoro.

Dagdag pa nito na maliban sa political participation, nararapat anila na atleast 40 percent ng Bangsamoro Council of Leaders ay mga kababaihan.

Dapat din umanong ipatupad ang mahigpit na proteksyon at karapatan ng mga kababaihan at magkaroon ng special development program at batas na mangangalaga sa mga ito.

Ayon naman kay Bangsamoro Transition Commission chair at Moro Islamic Liberation Front Vice Chair for Political Affairs Ghadzali Jaafar, makakaasa na sa ilalim ng Bangsamoro Government ay mayroong transitional justice mechanisms.

Ito ang magpapatupad ng patas at inclusive na batas anuman ang disabilidad at kasarian, kung saan isa sa mga posibleng maitayo sa BARMM ay ang Regional Commission on Women in the Bangsamoro.