LAOAG CITY – Binigyang diin ni Bombo International News Correspondent Rene Ballenas sa Estados Unidos na bahagi ng LGBTQIA+ o Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer, Intersex, Asexual sa komunidad.
Malaki ang paniniwala ni Ballenas na mayroong karapatan ang mga transgender, ito ay sa kabila ng wala pang gaanong reaksyon ang mga residente sa Amerika sa naging pahayag ni US President elect Donald Trump na sa oras na ito ay uupo sa pwesto sa susunod na taon ay ipapahinto nito ang “transgender lunacy” sa Estados Unidos.
Ayon sa kanya, one sided lamang ang naging desisyon ni Trump sa usapin ng transgender rights.
Idinagdag din nito na mayroong batas na sumasaklaw sa same sex marriage sa Amerika kung kayat naniniwala ito na kukunin rin ni Trump ang tindig ng Kongreso.
Sakop sa nais na ipatupad ni Trump ang hindi pagpayag na makapasok sa military service at mga paaralan ang mga transgender.
Bukod dito, ipinasigurado rin ni Trump na hindi makakasali sa anumang paligsahan ang mga kalalakihan sa mga women’s sports.
Matatandaan na naging mainit ang isyu patungkol sa transgender sa naging debate nina Trump at US Vice President Kamala Harris noong kampanya sa 2024 US Presidential Election.