-- Advertisements --
Duterte Bilateral

Hindi pa rin isusuko ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakapanalo ng Pilipinas noon sa arbitral court.

Ito ang sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel at spokesman Salvador Panelo sa gitna ng kinahinatnan ng ginawang pag-ungkat ni Pangulong Duterte sa pagkakapanalo ng Pilipinas sa arbitral ruling.

Ayon kay Panelo, mananatili pa rin ang gagawing paggigiit ng Pilipinas sa karapatan nito sa West Philippine Sea at gagawin ito sa pamamagitan ng pakikipagnegosasyon.

West PH Sea map South China spratlys reed bank
South China Sea map showing the claims and facilities of each country (photo from @IndoPac_Info)

Tuloy-tuloy ani Panelo ang gagawing pakikipagdayalogo ng pamahalaan sa Chinese goverment at gagawin ito ng mapayapa sa gitna ng hindi isusukong panalo ng Pilipinas sa arbitral ruling.

Kaugnay nitoy inihayag ni Panelo na hindi naman aniya “na- offend” si President Xi sa pag-ungkat ni Pangulong Duterte sa karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea.