DAVAO CITY – Tinawag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Karapatan na ‘samahang demonyo ng Pilipinas’ dahil sa mga nagawa nito sa buhay ng mga Pilipino.
Sa kanyang talumpati sa pamimigay nito ng Certificate of Land Ownership Award (CLOA) sa Davao sa aabot sa halos 2,000 Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) beneficiaries inihayag ng pangulo na naging chapter president siya noon ng grupong Karapatan.
Alam niya umano ang mga pamamaraan at pamamalakad dito bilang legal fronts ng komunistang grupo dito sa bansa.
Naging killing machine umano ng mga Filipino ang nasabing grupo.
Ito’y matapus maalaala ng presidente ang patuloy na pagpatay ng mga rebelde grupo sa Negros Occidental na ang pinakahuli ay angpatay sa mga pulis na ginilitan pa ng leeg ng mga suspek.
Ayon sa pangulo iaatas din niya sa mga alagad ng batas na gawin sa mga rebelde ang kanilang ginawa sa mga naging biktima ng krimin.