-- Advertisements --

Napanitili ng bagyong Karding ang kaniyang lakas habang ito ay gumagalaw sa katimugang karagatan ng bansa.

Ayon sa PAGASA, na patuloy ang pagbilis ng paggalaw ng bagyo hanggang ito ay inaasahang mag-landfall sa bahagi ng Northern at Central Luzon.

Posibleng umabot pa ng severe tropical category ito bago ang kaniyang pag-landfall.

Maari sa gabi pa ng Biyernes ay magtataas na ang ahensiya ng Tropical Cyclone Wind Signal sa ilang bahagi ng bansa.

Binalaan din nila ang mga mangingisda ng ibayong pag-iingat dahil sa malalaking alon na dulot ng nasabing bagyo.