-- Advertisements --
Naging matagumpay ang pagsilang ni Karel Marquez sa ikatlong anak nila ng asawang si Sean Fariñas.
Sa kaniyang Instagram account, ibinahagi ng singer actress ang larawan na kasama ang bagong silang na baby boy.
Pinangalanan itong si Kobe Federico Santos Fariñas na isinilang sa pamamagitan ng Cesarean Section sa St. Lukes hospital sa Bonifacio Global City.
Labis din ang kasiyahan ni Karel dahil sa nakapag-breastfeed na agad ito ilang oras matapos maisilang si baby Kobe.