-- Advertisements --

Tuluyan ng magpapaalam ang karera ng kabayo sa Singapore.

Inanunsiyo ng Singapore Turf Club ang nag-iisang race course na isasagawa nila ang huling karera sa susunod na taon.

Kukunin na kasi ng gobyerno ang 120 hektarya na lupain dahil sa patatayuan ito ng public at private housing.

Nasa mahigit 180 taon na ang karera ng kabayo doon kung saan kabilang si Queen Elizabeth II ang may sariling event doon.

Personal na dinaluhan ng namayapang Queen Elizabeth II ang pagbubukas ng nasaibng karera nito noong 2006.

Magaganap ang huling karera sa Oktubre 2024 kung saan ito ang 100th Grand Singapore Gold Cup.