-- Advertisements --

Humingi ng paumanhin si K-pop girl group Aespa member Karina sa kaniyang mga fans.

Ito ay matapos ang pagkabigla nila sa balitang pakikipagrelasyon niya sa actor na si Lee Jae-wook.

Sa social media account nito ay hindi ikinaila ng 23-anyos na singer ang pagkabigla ng mga fans.

Dagdag pa nito na nais niyang bumawi sa mga fans niya ukol sa nasabing usapin.

Magugunitang noong nakaaang linggo ng kumpirmahin ng agency ng dalawa ang kanilang relasyon na ikinagulat ng mga fans.