-- Advertisements --

Ibinabad ng New York Knicks ang bago nitong star na si Karl-Anthony Towns sa ikalawang preseason game ng koponan kontra Washington Wizards.

Nagawa ng Knicks na tambakan ng 23 big points ang Washington at ibinulsa ang ikalawang panalo ngayong preseason.

Nagpakitang-gilas naman si Towns na kumamada ng 25 points at 12 rebounds sa loob ng 28 mins. na kanyang paglalaro.

Sa preseason games, kalimitang inaabot lamang ng 15 hanggang 20 mins. ang mga star player ng bawat koponan at hinahayaan lamang na maglaro ang mga bench at mga rookie.

Samantala, nagpasok naman ang guard na si Jalen Brunson ng 23 big points sa loob ng 23 mins. na paglalaro

Sa Wizards, nalimitahan lamang sa 3 points ang forward nitong si Kyle Kuzma sa loob ng 24 mins. na paglalaro. Ang dalawang bangko na sina Kyshawn George at Corey Kispert ang mistulang bumuhat sa koponan na nagposte ng tig-14 points.

Labis na sinamantala ng Knicks ang free throw line matapos itong kumamada ng 27 points mula sa 32 attempts. Tanging 10 points lamang ang sagot dito ng Wizards mula sa kanilang 11 attempts.

Sa higpit ng depensa ng Knicks, nagawa ng koponan na kumamada ng 16 steals sa kabuuan ng laban habang dalawa lamang ang naging ganti ng Washington.