-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Wala pang epekto ang African Swine Fever ( ASF ) sa San Mateo, Isabela.

Ayon sa mga nagtitinda ng karne ng baboy sa pamilihang bayan ng San Mateo, patunay lamang nito ang marami pa ring panindang karne ng baboy kapag umaga at pagdating ng hapon ay nauubos na.

Hindi rin apektado ang presyo nito na nasa Php 180.00 hanggang Php 190.00 bawat kilo.

Hindi nababahala ang mga consumers dahil natitiyak nilang dumaan ang mga panindang karne sa slaughter house.

Malalaman na dumaan ang karne ng baboy sa inspection sa pamamagitan ng mga tatak nito.

Samantala, ipinagbabawal ng pamahalaang lokal ang pagkatay ng baboy sa mga barangay at kung may mga gustong magkatay ay dinadala na lamang ito sa slaughterhouse para matiyak na walang sakit ang alagang hayop.