-- Advertisements --

KALIBO, Aklan — Ipinagbabawal muna ang pagpapasok sa isla ng Boracay at buong lalawigan ng Aklan ng mga buhay na baboy at processed pork-products mula sa Mindanao na ngayon ay apektado rin ng African Swine Fever (ASF).

Nagpalabas si Aklan Governor Florencio Miraflores ng Memorandum Order No. 031 upang ipatupad ang mahigpit na hakbang upang mapangalagaan ang babuyan o swine industry at food security sa lalawigan sa gitna ng mga naitalang kaso ng ASF sa Mindanao.

Ang pre-emptive banning ay nagsimula noong Pebrero 3, 2020.

Naitala ang kauna-unahang kaso ng ASF sa Mindanao lalo na sa Davao Occidental kung saan mahigit sa 1,000 mga baboy ang nagpositibo sa ASF.

Nananatiling ASF free ang buong Visayas.

Bantay sarado ngayon ang mga otoridad sa mga paliparan at pantalan sa Aklan na nagsasagawa ng checkpoints at quarantine inspections.

Sa kabilang daku, umapela ang Office of the Provincial Veterinarian (OPVET) sa publiko na huwag magdala ng mga produktong sakop ng ban.