-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Mahigit na ipinagbabawal sa probinsya ng Samar ang pagpapasok ng karneng baboy mula sa Luzon.

Ito ay kaugnay sa pagkabahala na maapektuhan ang hog industry sa Region 8 mula sa African Swine Fever (ASF) virus matapos ang nangyaring outbreak sa Rizal at Bulacan.

Sa pinirmahan na Executive Order 21 ni Samar governor Milagrosa Tan, na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpapasok ng karneng baboy o anumang pork related products maliban na lang kung ito ay kaukulang veterinary quarantine requirements o sertipiko mula sa National Meat Inspection Service (NMIS) at Veterinary Shipping Permits (VSP).

Kaagad naman na pinaalerto ng PNP ang mga entry points sa rehiyon nang sa gayon ay masigurong masunod ang naturang kautusan.