-- Advertisements --
meat pork

Bumaba ng 4% ang inaangkat na karne ng Pilipinas sa unang 8 buwan ng 2023 kasabay ng pagbaba ng pagkonsumo ng mga Pilipinas sa karne ng baboy at baka sa gitna na rin ng tumataas na presyo sa pandaigdigang merkado.

Base sa pinakahuling datos mula sa Bureau of Animal Industry, bumaba sa 817.35 million kilorams ang volume ng inangkat na karne mula Enero hanggang Agosto ng kasalukuyang taon mula sa 851.84 million kg na inangkat sa kaparehong period ng nakalipas na taon.

Noong Agosto pa lamang, nag-angkat ang Pilipinas ng 115.1 million kilo ng karne, bumaba ito ng 1.5% mula noong nakalipas na taon.

Sa kabuuan ng 8-month period naman, ang inangkat na karne ng baboy na binubuo ng halos 50% ng kabuuang volume ay bumaba ng 12.7%, sumunod ang karne ng manok na binubuo ng 35.4% ay tumaas ng 18.3%.

Bumili naman ang Pilipinas ng 91.68 million kilo ng karne ng baka na bumaba ng 16.7%.

Lumalabas sa datos ng BAI na ang Brazil ang nangungunang pinagkukunan ng bansa ng imported meat na karamihan sa inexport ay karne ng manok na nasa 166.15 million kilo.

Sinundan ito ng Amerika na panunahing nag-export ng karne ng manok at Spain na nag-export karamihan ng karne ng baboy.