-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Nahaharap sa kasong 4 counts ng rape ang 34-anyos na karpintero matapos na positibong itinuro na siya ang gumahasa sa anim na taong gulang na bata sa bayan ng Balete, Aklan.

Nakatakdang i-inquest sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Barangay Nalook, Kalibo, Aklan ang suspek na si Rolly Andrade at residente ng naturang bayan.

Ayon kay Major Jake Barila, hepe ng Balete Police Station, na batay sa medico legal ng bata, positibo na nagahasa ang biktima dahil nakitaan ito ng laceration sa kaniyang ari at may fresh blood pa umano sa loob nito.

Una rito, nakipag-inuman ang suspek na tiyuhin ng biktima kasama ng kaniyang mga kaibigan nang bigla na lamang siyang nawala sa grupo.

Kaugnay nito, kaagad siyang hinanap at nahuli sa akto na nakapatong sa katawan ng biktima.

Kaagad na inaresto ang suspek at sinampahan ng karampatang kaso.

Nabatid na ipinagkatiwala ang bata sa kaniyang tiyahin dahil ang kaniyang mga magulang ay kasalukuyang nagtatrabaho sa Metro Manila.