-- Advertisements --
Tinawag na ‘fake news’ ng tv host na si Karylle ang mga lumabas na balitang siya ay buntis.
Sinabi nito na ito na ang pangatlong beses na napagkamalan siya ay nagdadalang tao.
Dagdag pa nito na naniniwala itong hindi epektibo ang agarang pag-tanggi kaya hinayaan niya na lumabas ang katotohanan.
Nanawagan na lamang ito sa mga fans at publiko na huwag basta maniwala sa mga nakakalap na balita at marapat na labanan ang maling impormasyon.