-- Advertisements --

Mula sa 525 kahapon, bahagyang tumaas sa 577 ngayong araw ng Linggo ang bagong dagdag na kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa bansa.

Sa tala ng Department of Health (DOH) kasabay ng unang vice presidential debate ng Commission on Elections (COMELEC), umakyat na sa kabuuang 3,674,286 ang mga tinamaan ng deadly virus sa Pilipinas.

Sa ilalim ng lingguhang “Oplan Recovery,” inulat ng DOH ang 3,570,822 na total recoveries o mga gumaling mula sa COVID-19.

Nasa 58,263 naman ang kabuuang bilang ng mga nasawi at mayroong 45,201 na aktibong kaso virus.