DAGUPAN CITY – Inaalam na ngayon ng Urdaneta City Police kung may iba pang kasabwat ang apat na Chinese nationals na naaresto matapos makuhanan ng P124 milyong halaga ng shabu,
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan sinabi ni police Lt. Col John Guiagui, hepe ng Urdaneta City Police Station, na nag-follow up investigation na ang kanilang hanay upang malaman kung may kasabwat na malalaking indibidwal ang mga na dayuhan.
Kung makompirma naman aniyang may ibang taong sangkot sa naturang kaso, ay panibagong law enforcement operation muli ang gagawin ng pulisya.
Hindi naman itinatanggi ni Guiagi na bago mangyari ang insidente ay nagsagawa na sila ng ‘surveillance’ sa apat na suspek ngunit naging pahirapan umano ang kanilang operasyon dahil paiba iba ang lugar na tinutuluyan ng mga ito.
Matatandaan, naaresto ang apat na dayuhang suspek na kinilala bilang sina Lu Jun, Zuo Sheng Li, Li Yu at Ye Ling.
Dalawang araw na nasa surveillance ng NBI ang mga dayuhan. Unang naaresto si Lu Jun na nakuhanan ng 10 pakete ng shabu.
Sa ngayon, inihahanda na ng NBI ang kaukulang kaso laban sa 4 na Chinese nationals.