-- Advertisements --

Binata na muli ang actor na si Derek Ramsay.

Ito mismo ang kinumpirma ng kaniyang abogado na si Atty. Josabeth “Joji” Alonso kung saan idineklara ng korte ang kasal nito na null and void.

Hindi naman na nagbigay pa ng ibang detalye ang abogado nito.

Naungkat ang nasabing usapin ng may mag-comment sa social media account ng actor na sinagot naman nito na siya ay single na.

Nauna rito kasal ang actor sa dating partner na si Mary Christine Jolly noong Abril 2002.

Naghiwalay sila noong 2014 dahil sa inakusahan ang actor na pagpapabaya sa anak nila.

Sa kasalukuyan ay karelasyon ng actor ang actress na si Andrea Torres.