Isang taon mula nang maging engaged, official husband and wife na si Katrina Legaspi o nakilala noon bilang si “Hopia” at kanyang longtime boyfriend.
Nitong Sabado nang ganapin ang church wedding ni Hopia at boyfriend of six years na si Ryan Jarina kung saan ang reception ay sa isang hotel sa Pasay City.
Kabilang sa bridesmaids ay ang kapwa aktres ni Hopia na sina Liza Soberano at Michelle Vito.
Ilan pa sa mga bisita sa kasal ng dating child star at ngayo’y 27-year-old showbiz personality ay sina Enzo Pineda, Angeli Gonzales, at mga ka-batch sa pambatang comedy program na sina John Manalo, CJ Navato, Igi Boy Flores, at Eliza Pineda.
Nabatid na pansamantalang umalis sa limelight si Hopia upang tapusin ang kursong ugnay sa komunikasyon at nagtatrabaho na bilang financial advisor.