-- Advertisements --

Kinansela ni New Zealand Prime Minister Jacinda Arden ang kaniyang kasal matapos na magpatupad ng panibagong paghihigpit ang bansa dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Nagpatupad ang nasabing bansa ng pagsusuot ng face mask at paglimita ng pagtitipon simula Enero 23.

Isinagawa ang paghihigpit matapos ang naitalang siyam na kaso ng community transmission ng Omicron coronavirus virus sa isang kasalan.

Galing sa North Island ng Auckland ang magkakamag-anak na bumiyahe lulan ng eroplano patungo sa South Island na dinaluhan ng 100 katao.

Nagpositibo sa COVID-19 ang buong pamilya pati ang mga flight attendant.

Ayon pa sa Prime Minister na ayaw niyang mangyari sa kaniya ang insidente na marami ang nahawa.

Hindi naman nito binanggit kung kailang muli itutuloy ang kaniyang kasal.